Tagalog

Pag-apply para sa Bayad na Pagliban para sa Pamilya at Medikal na Kadahilanan ng WA (WA Paid Family and Medical Leave)

Para sa mga libreng serbisyo ng tulong sa wika, tumawag sa 833-717-2273 at piliin ang opsyon 7, pagkatapos ay ang opsyon 2. Isang Customer Care Specialist ang sasagot sa wikang English. Sabihin sa kaniya ang wikang sinasalita mo, at paghihintayin ka niya habang iniuugnay ka niya sa isang tagasalin.

Mayroong dalawang uri ng bayad na pagliban (leave) na available sa karamihan ng empleyado sa Washington:

Pagliban para sa Medikal na Kadahilanan: Kapag pinipigilan ka ng isang malalang kondisyon ng kalusugan na magtrabaho. (Operasyon, pagpahinga sa kama sa panahon ng pagbubuntis, paggaling mula sa panganganak o paggamot para sa pangmatagalan at hindi gumagaling na kondisyon ng kalusugan.)

Pagliban para sa Pamilya  (kasama ang Pagliban para Maglaan ng Oras (Bonding Leave) at Pagliban para sa Kapamilyang Bahagi ng Militar (Military Family Leave))

  • Para lumiban upang alagaan ang isang kapamilyang may malalang kondisyon ng kalusugan,
  • Para maglaan ng oras sa bagong bata sa iyong pamilya, O:
  • Pinapahintulutan ka ng pagliban para sa kapamilyang bahagi ng militar na gumugol ng oras para sa miyembro ng pamilya na malapit nang ma-deploy sa ibang bansa o na pabalik mula sa deployment.

Para maging kwalipikado, dapat na nagtrabaho ka nang 820 oras sa nakaraang taon.

Nabibilang ang lahat ng oras na nagtrabaho sa Washington, kahit na mayroon kang maraming trabaho o nagpalit ka ng mga employer.

Proseso ng aplikasyon

1. Abisuhan ang iyong employer

2. Tipunin ang mga dokumento

  • Katibayan ng ID. Tingnan ang lahat ng tinatanggap na dokumento sa paidleave.wa.gov/get-ready-to-apply. Hindi mo kailangan ng numero ng social security para mag-apply.
  • Para sa pagliban para sa medikal na kadahilanan, o para sa pagliban para sa pamilya upang alagaan ang miyembro ng pamilyang may kondisyon sa kalusugan, magbigay ng ISA sa mga sumusunod:
    • Form ng Sertipikasyon ng Malalang Kondisyon ng Kalusugan (Certification of a Serious Health Condition), na pinunan mo at ng iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan. I-download ang mga form.
      O:
    • Form ng Batas sa Pagliban para sa Pamilya at Medikal na Kadahilanan (Family Medical Leave Act)
      O:
    • Isang tala ng doktor na may kasamang parehong impormasyon ng nasa form ng Sertipikasyon ng Malalang Kondisyon ng Kalusugan.
  • Para sa pagliban para sa kapamilyang bahagi ng militar, maraming nagkakwalipikang dahilan para sa agarang pangangailangan na nauugnay sa militar, kaya magkakaiba ang dokumentasyon para suportahan ang iyong claim. Kakailanganin namin ng mga dokumento mula sa militar o ibang pinagmulan na nagpapakitang magkakaroon ka ng pagliban para sa dahilan ng agarang pangangailangan na nauugnay sa militar sa ilalim ng FMLA.
  • Para sa pagliban para sa pamilya upang maglaan ng oras sa batang ipinanganak sa iyong pamilya, magagamit ng parehong magulang ang form ng Sertipikasyon ng Panganganak (Certification of Birth). I-download ang mga form.
  • Para sa pagliban para sa pamilya upang maglaan ng oras sa batang inampon o inilagay sa iyong pamilya, magagamit mo ang mga dokumento ng hukuman na nagpapakita ng foster na pangangalaga, pag-ampon, o paglagay sa pangangalaga (guardianship). I-download ang mga form.

3. Mag-apply para sa pagliban PAGKATAPOS mangyari ang kwalipikadong kaganapan, gaya ng operasyon, panganganak, o pagliban para alagaan ang isang miyembro ng pamilya na may malalang kondisyon ng kalusugan.

I-download ang aplikasyon

4. Mag-download ng higit pang impormasyon sa mga lingguhang claim.

I-download

Gaano kahabang panahon ang makukuha ko?

  • Hanggang 12 linggo para sa pagliban para sa medikal na kadahilanan.
  • Hanggang 16 na linggo ng pinagsamang pagliban para sa medikal na kadahilanan at pamilya kung mayroon kang higit sa isang kwalipikadong kaganapan sa parehong taon ng claim.
  • Hanggang 18 linggo ng pinagsamang pagliban para sa medikal na kadahilanan at pamilya kung mayroon kang malalang kondisyon ng kalusugan sa pagbubuntis.

Hindi kailangang panatilihin ng iyong employer ang iyong trabaho para sa iyo kung:

  • Mas kaunti sa 50 tao ang nagtatrabaho sa kompanya
  • Nagtrabaho ka nang wala pang isang taon
  • Nagtrabaho ka nang mas kaunti sa 1,250 oras para sa kompanya sa nakaraang taon